^

Metro

Trader patay sa holdap

-
Isang negosyanteng Tsinoy ang nabaril at napaslang ng dalawang suspect lulan ng motorsiklo nang tumanggi ang una na ibigay ang kanyang pera na idedeposito sana niya sa bangko kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Patay na bago pa man dumating sa San Bernardino Hospital ang biktimang si Tulay Chua, 58, ng Zabarte Avenue, Quezon City.

Nabatid na naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon sa kahabaan ng Zabarte Road Quirino Highway, Novaliches, Quezon City.

Nabatid na naglalakad ang biktima nang biglang sumulpot ang dalawang suspect sakay sa isang motorsiklo at saka hinablot ang dalang bag ng biktima na may lamang pera at idedeposito sana nito sa Metro Bank malapit sa lugar.

Tinangka umanong manlaban ng biktima kaya’t nagawa itong barilin ng mga salarin hanggang sa mapatay.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect dala ang pera ng biktima. Isang manhunt operation ang inilunsad laban sa mga salarin. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

CRUZ

ISANG

METRO BANK

NABATID

QUEZON CITY

SAN BERNARDINO HOSPITAL

TULAY CHUA

ZABARTE AVENUE

ZABARTE ROAD QUIRINO HIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with