^

Metro

35 anyos natusta sa sunog

-
Isang 35-anyos na binata ang natusta, habang tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang tatlong palapag na apartment, kahapon ng umaga sa Makati City.

Batay sa inisyal na report ng pulisya, halos hindi na makilala dahil sa labis na tinamong sunog sa katawan ang biktima na si Michael Sarto, ng Benito St., Brgy. Kasilawan ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na dakong alas-9:55 nang magsimula ang sunog na tumagal ng mahigit sa tatlong oras sa apartment na tinitirhan ng biktima na makikita sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman na sa pagnanais umano ng biktima na iligtas ang lahat ng kanyang mga kagamitan ay nakulong ito at nadaganan ng kahoy dahilan upang tuluyan na itong hindi na makalabas pa sa nasusunog na apartment at matusta ito.

Naapula ang nasabing sunog dakong alas-10:40 ng umaga. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BATAY

BENITO ST.

BRGY

ISANG

KASILAWAN

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MICHAEL SARTO

NAAPULA

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with