Aktor na si Miko Sotto hulog sa 9th floor, patay
December 30, 2003 | 12:00am
Namatay ang aktor na si Miko Sotto na pamangkin nina Sen. Tito Sotto at Vic Sotto makaraang mahulog sa ika-siyam na palapag ng condominium unit na kanyang tinitirhan, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.
Patay na nang idating sa Mandaluyong City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo, leeg at ibat ibang bahagi ng katawan si Miko, Marcelino Sotto sa tunay na buhay, 22, at anak ng mga artistang sina Ali at Maru Sotto.
Sa ulat ni Supt. Erickson Velasquez, hepe ng Mandaluyong City police, naganap ang insidente sa inuupahang condominium unit ng batang aktor sa #59-A San Francisco Garden Plaza sa Barangay Barangka Itaas Boni Avenue ng nabanggit na lungsod dakong alas-4:30 ng madaling-araw.
Ayon sa ulat, kasalukuyang nakaupo sa veranda ng condo unit si Miko kasama ang pinsang si Oyo Boy Sotto na anak naman ng mga artistang sina Dina Bonnevie at Vic Sotto at isang kaibigang si Marco Medina.
Binanggit na masayang nagkukuwentuhan doon ang tatlo subalit dahil sa delikado ang kanilang inuupuan ay sinaway ang mga ito ng security guard.
Nabatid na bumaba naman sina Oyo Boy at Medina sa veranda subalit nang si Miko na ang bababa ay aksidenteng sumabit ang paa nito sa plant box sa veranda kung kaya nawalan ito ng panimbang at nagtuluy-tuloy na nahulog.
Bago ito lumagapak sa ground floor ay sumabit pa ang katawan nito sa mga scaffolding na nakalagay dahil sa pinipinturahan ang nasabing condominium na naging dahilan ng tinamo nitong pinsala.
Agad namang isinugod sa nasabing pagamutan ang biktima ng ilang security guard subalit idineklara na itong patay ni Dr. Alexander Buelta.
Matapos na kumunsulta ng pinsang si Oyo Boy sa ilang kaanak ay inilipat ang bangkay ng biktima sa Makati Medical Center.
Lumabas ang batang aktor sa pelikulang Fantastic Man na entry sa ginanap na Metro Manila Film Festival na tinatampukan ng kanyang tiyuhin na si Vic Sotto.
Sa kasalukuyan, nali-link ang aktor sa aktres namang si Angel Locsin. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest