^

Metro

45-anyos na lalaki natagpuang patay sa sinehan

-
Isang 45-anyos na lalaki ang natagpuang patay na walang saplot sa kanyang katawan habang ito ay nakaupo sa toilet bowl sa kubeta ng isang sinehan, kamakalawa ng gabi sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang identification card (ID) sa pangalang Nicolie Halili, residente ng Elizondo St. ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-6 ng gabi sa loob ng kubeta ng Times Theater na matatagpuan sa #468 Quezon Blvd., Quiapo.

Ayon sa saksing si Jay Barmodel, security guard ng nasabing sinehan, kasalukuyan umano siyang nagsasagawa ng inspection sa loob ng kubeta nang mapansin nito ang bangkay ng biktima.

Wala namang nakitang anumang bakas ng pagpahirap o sugat ang mga awtoridad sa katawan ng biktima kung saan may hinala ang mga ito na maaaring inatake sa isang karamdaman ang biktima habang dumudumi ito sa nasabing kubeta. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DANILO GARCIA

ELIZONDO ST.

ISANG

JAY BARMODEL

KINILALA

MAYNILA

NICOLIE HALILI

QUEZON BLVD

TIMES THEATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with