^

Metro

Ama na pumatay sa anak kinasuhan ng parricide

-
Sinampahan ng kasong parricide sa Manila Prosecutor’s Office ang isang ama na gumilit at pumatay sa kanyang pitong buwang gulang na anak matapos na umano’y saniban ng demonyo ang katawan nito sa Maynila.

Buong pagsisisi naman ang nadarama ngayon sa loob ng WPD Integrated Jail ang suspect na si Isagani Intong, Jr. 21, ng Malonzo Compound, Pier 2 North Harbor, Tondo matapos na malamang napatay niya ang kanyang anak na si Jewelle Arce.

Ayon kay Intong, hindi niya alam ang kanyang ginawa dahil sa parang may sumapi sa kanyang demonyo nang gilitan niya ng leeg ang kanyang anak.

Nabatid na nawala ang bata noong Hulyo 11 subalit ipinagtapat naman ni Intong sa kanyang live-in partner na si Magnolia Arce na napatay niya ang kanilang anak at saka niya ibinalot sa sako.

Sinabi ng pulisya na nasa impluwensiya ng droga ang suspect nang isagawa nito ang karumal-dumal na krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DANILO GARCIA

INTEGRATED JAIL

INTONG

ISAGANI INTONG

JEWELLE ARCE

MAGNOLIA ARCE

MALONZO COMPOUND

MANILA PROSECUTOR

NORTH HARBOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with