^

Metro

Tulak timbog sa 1-½ kilo ng marijuana

-
Ipinahamak ng kanyang malilikot na mata at kakaibang kilos ang isang lalaki dahilan upang siya ay sitahin ng mga pulis kaya nabuko itong may dalang isa at kalahating kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana, kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Kasalukuyang nakakulong at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang nadakip na suspect na si Edwin Tacadina, 30, ng Banana Road, Potrero, Malabon.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng hapon nang maaresto ang suspect sa naturang lugar habang dala nito ang isang travelling bag.

Naging matalim ang tingin nito sa mga naka-posteng pulis doon kaya siya nasita.

Nang tingnan ng mga awtoridad ang laman ng dala nitong bag ay natuklasan ang bitbit nitong pinatuyong dahon ng marijuana kung kaya agad itong inaresto. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BANANA ROAD

EDWIN TACADINA

IPINAHAMAK

KASALUKUYANG

MALABON

MALABON CITY

NANG

ROSE TAMAYO

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with