^

Metro

Automated Fare Collection System simula na sa LRT

-
Tuluyang nagwakas ang sindikato ng token ng mga sidewalk vendors simula sa araw na ito sa paglulunsad ng Automated Fare Collection System (AFCS) sa Light Railway Transit (LRT).

Pormal na inilunsad kahapon nina Transportation Secretary Pantaleon Alvarez, LRT Administrator Teodoro Cruz at Congressman Ricky Sandoval, Vice-chairman ng House Committee on Transportation and Communications ang bagong sistema sa LRT 1 na ginanap sa Central Station.

Sinabi ni LRT Administrator Cruz, inaasahan nila ang ilang problema sa unang linggo ng paglulunsad ng AFCS kabilang dito ang pag-ipit ng mga card sa AFCS machine pero may inihanda na naman silang solusyon para dito.

Idinagdag naman ni Secretary Alvarez na ang pagkakaroon ng bagong sistema sa LRT 1 ay patunay lamang nang pag-usad ng industriya ng mass transportation sa modernisasyon kung saan ay nagiging pangalawa tayo sa Hong Kong.

Sa paglulunsad na ito ng AFCS ay nagwakas naman ang sindikato ng ilang tiwaling kawani ng LRT kasabwat ang mga sidewalk vendors kung saan ay ibinebenta ng mga ito sa bangketa sa mas mataas na halaga ang mga token.

Ang larawan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang siya ngayong namamayagpag sa mga swipe cards ng MRT. (Ulat nina Rudy Andal at Danilo Garcia)

vuukle comment

ADMINISTRATOR CRUZ

ADMINISTRATOR TEODORO CRUZ

AUTOMATED FARE COLLECTION SYSTEM

CENTRAL STATION

CONGRESSMAN RICKY SANDOVAL

DANILO GARCIA

HONG KONG

HOUSE COMMITTEE

LIGHT RAILWAY TRANSIT

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with