^

Metro

50 opisyal ng PNP apektado ng revamp

-
Limampung opisyal ng PNP ang nakatakdang mahagip ng rigodon ngayong buwan kaugnay ng pagpapatuloy ng malawakang revamp bilang bahagi ng reorganisasyon ng pambansang pulisya.

Sinabi ni Police Community Relations Chief P/Director Thompson Lantion, kasalukuyan na umanong pinag-aaralan ng PNP at DILG ang naturang hakbangin, partikular ang mga departamento na kinakailangang palitan ng hepe upang higit na mapagbuti ang serbisyo sa publiko.

Gayunman, tumanggi si Lantion na pangalanan ang mga papalitang opisyal sa dahilang posible umano itong maudlot bunsod na rin ng patuloy na pag-aaral dito ng Senior Officers Promotions and Placement Board (SOPPB).

Una rito, inihayag ni DILG Secretary Joey Lina na nakatakda nilang sibakin ang mga police officials na nakatalaga sa mga lalawigan na itinuturing na balwarteng lugar ng mga jueteng operators dahil sa kabiguan ng mga ito na makontrol ang nasabing ilegal na aktibidades.

Ipinahayag ni Lina na ipapatupad ang revamp anumang araw ngayong linggo.

Base sa listahan ng PNP at DILG, target ng nasabing revamp ang lahat ng police chiefs, city at district commanders, provincial at regional directors. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

DIRECTOR THOMPSON LANTION

GAYUNMAN

IPINAHAYAG

JOY CANTOS

LANTION

LIMAMPUNG

POLICE COMMUNITY RELATIONS CHIEF P

SECRETARY JOEY LINA

SENIOR OFFICERS PROMOTIONS AND PLACEMENT BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with