^

Metro

Nag-amok na sekyu, todas sa pulis

-
Kamatayan ang sinapit ng isang sekyu matapos itong barilin ng isang bagitong pulis na nagresponde sa ginawang pag-aamok ng una kamakalawa ng gabi sa bayan ng Taguig.

Namatay noon din ang security guard na si Maximo Castillo, 38, ng ROJUN Security Agency at nakatalaga sa Lahi Craft na matatagpuan sa Franco Drive, Sta. Maria Industrial Estate, Bagong Bayan dahil sa tama ng bala sa katawan.

Ang pulis na nakabaril at nakapatay ay nakilalang si PO1 Angelito Atayde, nakatalaga sa Police Community Precint 3, Taguig Police Station.

Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas 7:00 ng gabi na umano ay nagwawala si Castillo dahil sa sobrang kalasingan na namamaril sa mga taong dumadaan at mabuti na lamang ay wala itong tinamaan. Kaya naman nagresponde ang pulisya ng PCP 3 sa pangunguna ni PO1 Atayde para payapain sa pag-aamok si Castillo.

Pagdating ng mga pulis sa lugar ng insidente ay agad umano silang pinaputukan ni Castillo at hindi naman tinamaan ang nasabing mga awtoridad.

Gumanti ng putok si PO1 Atayde at tinamaan sa dibdib si Castillo na agad nitong ikinamatay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANGELITO ATAYDE

ATAYDE

BAGONG BAYAN

LAHI CRAFT

LORDETH BONILLA

MARIA INDUSTRIAL ESTATE

MAXIMO CASTILLO

POLICE COMMUNITY PRECINT

SECURITY AGENCY

TAGUIG POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with