^

Metro

Botika nilooban: Saleslady patay, 1 sugatan

-
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 20-anyos na saleslady samantalang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon sa ospital ng pasukin at pagnakawan ng dalawang lalaki ang binabantayang botika ng mga ito kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Nodados General Hospital sanhi ng dalawang saksak sa katawan ang biktimang si Minda Loterino samantalang kritikal din sa nasabing pagamutan si Annaliza Nivero, 19, ng Phase 4 Package 1, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod at kapwa namamasukang saleslady sa Nibren-J Pharmacy na matatagpuan sa Phase 4 Package 1, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Samantala, patuloy namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa mga suspek na nakilalang sina Sammy Balasca, 23-anyos, at isang alyas Waray, kapwa residente ng nasabi ring lugar na agad na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Gaudencio Domingo, may hawak ng kaso, dakong alas-12:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente nang sapilitang pasukin ng mga suspek ang naturang botika.

Kasalukuyang natutulog ang mga biktima nang magising sa ingay na nilikha ng pagpasok ng mga suspek kung saan bumangon si Nivero upang tingnan kung ano ang nasabing ingay.

Subalit laking gulat na lamang nito nang biglang saksakin ng suspek na si Waray dahilan upang duguan itong humandusay samantalang agad namang tinungo ni Balasca ang drawer na kinalalagyan ng pera at kinuha nito nag halagang P210.00.

Tinangka namang awatin ng nasawi ang suspek na kunin ang pera kung kaya’t agad itong sinaksak ng dalawang beses sa katawan at nang makuha ang pakay ay mabilis na tumakas. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ANNALIZA NIVERO

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

GAUDENCIO DOMINGO

GEMMA AMARGO

MINDA LOTERINO

NIBREN-J PHARMACY

NODADOS GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with