^

Metro

American national kinatay ng live-in na Pinay

-
Dahil sa matinding galit makaraang tanggihang panagutan ng kanyang kinakasamang American national ang dinadala niyang sanggol sa sinapupunan, pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang Pinay ang live-in na dayuhan, kamakalawa ng madaling araw sa loob ng isang five-star hotel sa Pasig City.

Nagawa pang isugod sa Medical City Hospital sa Mandaluyong City ang biktimang si Andrew Copola, 42, at pansamantalang naninirahan sa Room 802 ng Renaissance Tower sa may Meralco Avenue, Ortigas Center, Pasig City, gayunman binawian din agad ito ng buhay bunga ng 18 saksak na tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kinilala naman ni Inspector Rodante Arcigal, hepe ng follow-up division ng Pasig Police ang suspect na si Elizabeth Martinez, na naka-check-in naman sa Room 1506 ng nabanggit na hotel.

Ayon kay Arcigal, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling araw sa loob ng kuwarto ni Copola. Nag-uusap umano sa loob ng kuwarto sina Copola at Martinez, habang naghihintay naman sa lobby ng hotel ang ama at kapatid na babae ng huli.

Ayon sa saksing si Jessie Marayon, security guard sa hotel na lumabas umano ng kanyang kuwarto si Copola na naka-brief lamang at puno ng dugo sa buong katawan. Tanging ang katagang 1506 (numero ng kuwarto ni Martinez) ang nasabi nito bago ito malagutan ng hininga sa pagamutan.

Narekober ng pulisya sa loob ng kuwarto ng biktima ang 12 pulgadang haba ng patalim na ginamit sa pamamaslang, isang pares na puting sandals at asul na blazer na hinihinalang pag-aari ni Martinez.

Agad namang nagpadala ng tauhan si Arcigal sa tinutuluyang bahay ni Martinez sa Angono, Rizal ngunit nabigo ang mga pulis na maaresto ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANDREW COPOLA

ARCIGAL

AYON

COPOLA

DANILO GARCIA

ELIZABETH MARTINEZ

INSPECTOR RODANTE ARCIGAL

JESSIE MARAYON

MANDALUYONG CITY

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with