^

Metro

3 kilabot na drug pushers tiklo

-
Tatlong matitinik na drug pusher na matagal nang pinaghahanap ng batas ang nadakip ng pulisya sa ilang magkakasunod na operasyon sa Mandaluyong City.

Nakilala ang mga suspek na nadakip na sina Rodolfo Concepcion, 32, alyas Roger Tisoy, ng Sto. Rosario Compound, Bgy. Plainview, Mandaluyong City; Dominador Dizon, 30; ng #248 Sto. Rosario st. ng naturang barangay at si Mila Rivera, 37, ng Bagong Bayan, Bacood, Sta. Mesa, Manila.

Unang naaresto ng Mandaluyong Police si Concepcion sa loob ng bahay nito matapos na i-serve ang warrant of arrest laban sa kanya matapos ang dalawang taon nitong pagtatago nang hindi ito sumipot sa pagdinig sa kanyang kaso noong 1999.

Naglalakad naman si Dizon sa kanilang lugar nang matunugan ang pagdating ng mga pulis. Isang kahon ang itinapon nito bago nanakbo ngunit nasakote rin ng mga pulis. Nakumpiska sa kahong itinapon ang may 35.11 gramo ng shabu.

Nadakip naman sa isang buy-bust operation si Rivera na dumadayo pa sa lungsod sa kanyang iligal na operasyon matapos na isang asset ang mag-tip ng operasyon nito. Nakumpiska sa kanya ang may .41 gramo ng shabu na kanyang ibinenta sa pulis na umaktong buyer. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BAGONG BAYAN

DANILO GARCIA

DOMINADOR DIZON

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG POLICE

MILA RIVERA

NAKUMPISKA

RODOLFO CONCEPCION

ROGER TISOY

ROSARIO COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with