October 19, 2026
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Ano man ang uri ng pag-anyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralan ng mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Kung may balak na maglakbay, dapat ipagpaliban dahil mag-aaksaya lang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 24, 30 at pink.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Pamamasyal o pagre-relax ang makakatulong para manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 13, 25 at orange.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Ang tunay na kaibigan ay sa ginhawa at kagipitan ang damayan. Tawag ng panahon para iwasan ang mga fake. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 19, 31 at dollar green.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – May mag-aalok ng trabaho pero pag-isipan muna at timbangin ang kabutihan bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 16, 20, 31, 42 at maroon.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Alam mong tama ka, pero iwasan ang makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang sariling problema. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 21, 39 at purple.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Magiging masayahin at halos lahat ng kakilala ay magulat sa asal na ipapakita, isa lamang ang dahilan, in love ka. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 12, 28 at cream.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – May pagkakataon na mapagtuunan ang tahanan. Hinahon ang kailangan nang walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 25, 31 at gold.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Magtatagumpay sa nilalakad kung gagawin sa umaga. Maganda ang takbo ng pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 29, 35 at ocean blue.
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Tiyaga at panala-ngin ang gawin para makaiwas sa bulilyaso dahil malalantad ka rito. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 19, 24 at green.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Huwag magmadali, hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa gustong mangyari. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 14, 31 at old rose.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Malamang manghihiram ng pera ang kaibigan, pero dapat tanggihan dahil hindi na mababayaran. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 24, 30 at silver.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Malaki ang tiwala sa sarili at magiging positibo ang pag-iisip sa gawain. Nasa tamang landas ng kasaganahan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 35, 36 at blue.
- Latest















