^

Kutob

The inside track

- Ambassador Albert del Rosario -

GEMINI: (May 21 - Hun. 21) - Sundin ang iyong kutob ngayon at  siguradong hindi ka mag­kakamali sa anumang desisyon o gaga­win. Anuman ang iyong gawin ay siguradong magta­tagumpay. Babansagan kang masuwerte sa pag-ibig at hanapbuhay at hahangaan ka ng iyong mga kaki­lala’t barkada. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 23, 39 at ivory.

CANCER: (Hun. 22 - Hul. 22) - Huwag mapikon sa mga biro sa iyo dahil gusto ka lang nilang maging masaya. Huwag  mapi­kon o magalit. Maglaan ka ng oras para sa re­gular na pag-eehersisyo dahil kailangan ito ng iyong kalu­sugan. May darating na problema sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 26, 37 at bright blue.

LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) - Isang hindi inaa­sahang panauhin ang darating at ang hatid ay magandang balita tungkol sa inaaplayan mong trabaho o permit para makapag­negosyo. Hindi malayo ang katuparan ng  iyong hinahangad. Lucky num­bers at color for the day ang 2, 9, 27, 38 at navy blue. 

VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) - Pipiliin mo munang mapag-isa sa araw na ito dahil sa taglay mong problema. Mga isyung may kinalaman sa pamilya ay  hindi mawawala sa iyong isipan. Pipilitin mong maglaan ng oras upang mapag-usapan ng pamilya ang ilang problemang panta­hanan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 26, 37 at emerald green.

LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) - Nasa mababa kang kalagayan ngayon pero hindi ka pa rin sumusuko na makipagsapalaran na  siyang dapat. Sa kabila ng bawat kabiguan na iyong mararanasan ay ibayong tatag ng iyong loob naman ang dulot nito na siyang daan ng iyong tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 4, 23, 30, 42 at carrot orange. 

SCORPIO: (Okt. 23 - Nob. 22) - Kung nais magtagal sa trabaho, maging palakaibigan at iwasang  makisama sa taong hindi tapat. May iilang kasamahan na may balak ilaglag ka kaya mag-ingat. Isang matapat na kaibigan ang maka­katulong sa iyong kasalukuyang problema. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 21, 35 at dark gray.

SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) - Ang mga nakaraang karanasan ay malaking tulong sa iyo upang ma­ging mas maging matalino sa paggawa’t pag­dedesisyon. Mag-ingat ka ngayon sa pagde­desisyon na may kinalaman sa pag-ibig dahil  pag nagkamali ay malaking pagsisisi ang iyong aabutin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 30, 36 at light green.

CAPRICORN:  (Dis. 22 - Ene. 19) - Mag-eenjoy ka sa pakikipag-usap sa mga kapitbahay kung pawang mabubuting bagay ang pag-uusapan. Iwasang makinig sa usapang panay tsismis at pawang paninira ng ibang tao ang paksa dahil ito ang makakapagpapairita sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 28, 40 at violet. 

AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) - Kung intensiyon mong mag-ipon ng pera,  simu­lan na ngayon. May mga oras na magiging moody ka sa araw na ito. Maganda na sa gabi maki­pagsosyalan.  Kung may okasyon ay huwag paal­pasin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 22, 34 at  brown.

(PISCES: Peb. 19  -  Mar. 20) - Bigyang-pan­sin mo ang iyong kalusugan dahil wala sa normal ang katayuan nito. Magandang araw ito para sa paglilibang kasama ang pamilya o minamahal   May ilang magpapayo na magbibigay sa iyo ng saya at pag-asa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 27, 36 at orange.

ARIES: (Mar. 21 - Abr.19) - Gusto mong gumawa ng desisyon ngunit hindi mo ma­pagpasiyahan kung tama o mali ang gagawin. Maghanap ng pangalawang opinyon upang makatiyak na tama ang iyong gagawin. May perang darating na magagamit mo sa pamimili o pambayad ng utang. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 23, 45 at tangerine.

TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) - Marami kang gustong gawing   pagbabago sa negosyo o sa kasa­lukuyang trabaho. Simulan ang anu­mang binabalak dahil magbubunga ng magan­­dang resulta. Lalago pa ang iyong hanap­buhay kung patuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 29, 38 at peach.

vuukle comment

COLOR

DAY

IYONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with