^

Kutob

Oktubre 15, 2006

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24 - Okt. 23) - Huwag maliitin ang ideya ng kasosyo o kapartner dahil malaki ang maaambag ng kanyang ideya sa inyong tagumpay. Huwag maging ipokrito. Makinig sa panig ng iba dahil malinis ang kanilang hangarin para sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 29, 30 at avocado green.

SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22) -
Kung may balak magtrabaho sa ibang bansa, ituloy kung ang hangad ay kaunlaran. Tibay at lakas ng kalooban ang kailangan upang magtagumpay. Kung may duda sa anumang gagawin, huwag ituloy dahil walang tagumpay na matatamo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 13, 27, 42 at violet.

SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) -
May mga pangyayari sa tahanan na makapag-bibigay ng hinanakit na siyang daan para maging negatibo ang iyong pag-iisip. Ang pag-iisip nang hindi maganda ay magbibigay ng malas sa buhay na sana ay lumalandas sa tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 28, 33 at brown.

CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) -
Makikita at malalaman ngayon ang pagkakamali na kung itutuwid at babaguhin ay may malaking pag-asang landasin ang kaunlaran. Ipagpatuloy ang sipag, tiyaga at pasensiya nang makita ang kaunlaran sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 17, 35 at pink.

AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) -
Kung ano ang ipinunla ay siyang aanihin. Kung gumawa ka ng masama, gagawin din sa iyo. Kung napapabilang ka rito, panahon na ng pagbabago upang mapasaiyo ang suwerte at ginhawa sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 6, 20, 31, 44 at green.

PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20) -
Balikan mo ang alaala ng kahapon dahil ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa patutunguhan. Ang pagkakamali ng lumipas ay aral na hindi na dapat maulit muli. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 27, 33 at fuschia.

ARIES: (Mar. 21 - Abr. 19) -
Makakamit ang hinahangad kung buo ang iyong loob. Huwag asahan ang iba kundi ang sarili. Ikaw ang gumagawa ng iyong kinabukasan at sa gabay ng Panginoong Maykapal, magtatagumpay kung ito ay palaging nasa positibong isipan. Kung hangad ang kaunlaran, plano at kilos ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 30, 42 at red.

TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) -
Daranasin ang hirap at paghihikahos kung makasarili at di-marunong lumingon sa pinanggalingan. Kung babaguhin ang patakaran na maging matulungin at maunawain, lalong dadaloy ang suwerte. Kung nagkamali, matutong humingi ng dispensa. Kung may nagkasala, matutong magpatawad. Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 16, 30 at blue.

GEMINI: (May. 21 - Hun. 21) -
Maaari kang makisaya subalit iwasang malasing at makipag-argumento. Taimtim na panalangin ang kailangan upang maiwasan ang hindi magandang mangyayari. Maging alerto at mapagmasid upang malayo sa sakuna o disgrasya. Lucky numbers at color for the day ang 7, 25, 30, 39, 41 at white.

CANCER: (Hun. 22 - Hul. 22) -
Ang pinakamagandang handog sa sarili ay ang pagbabago ng masamang ugali. Alam ng sarili kung ano ang mga pagkakamaling nagawa. Gawin ang pagbabago at pagtutuwid ng mga pagkakamali at tiyak na makikita ang malaking pagbabago at kaunlaran ang matatamo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 28, 32 at indigo.

LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) -
Magpapatuloy ang inyong masaya at magandang pagsa-sama sa kabila ng paminsan-minsang magkakasalungat na opinyon dahil sa magkakatugma naman ang pagmamahal sa bawat isa. Pag-ibig ang dahilan kung kaya sa kabila ng malimit na magkakasalungat ng ideya’t gusto ay mananatili ang relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 12, 25, 39, 41 at green.

VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) -
Kapakanan ng sarili bago ng iba ang laging isipin. Hindi ka maaaring makatulong sa iba kung kapos ka sa sarili. Kung walang tiyaga at sipag hikahos ang daranasin. Sikapin ang pagbabago at nakakatiyak kang magiging masagana ang iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ang 13, 15, 26, 40 at beige.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PANGINOONG MAYKAPAL

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with