^

Kutob

Setyembre 13, 2005

- Madam Rosa -
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) – Kapakanan ng sarili bago ang sa iba ang dapat isaalang-alang. Hindi maaaring makatulong kung kapos ang sarili. Kung walang tiyaga at sipag, hikahos ang daranasin. Sikaping magbago ng pananaw at tiyak dadaloy ang suwerte. Lucky numbers at color of the day ang 13-15-26-40 at beige.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Huwag maliitin ang ideya ng kasosyo o ka-partner dahil malaki ang maiaambag ng kanyang mga suhestiyon. Huwag maging ipokrito; makinig sa panig ng iba dahil malinis ang kanilang hangarin para sa iyo. Lucky numbers at color of the day ang 9-17-29-30 at avocado green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Kung may balak na magtrabaho sa ibang bansa, ituloy kung hangad ang kaunlaran. Tibay at lakas ng kalooban ang kailangan sa tagumpay. Kung may mga pagdududa, makabubuting huwag ituloy ang binabalak dahil walang tagumpay na matatamo. Lucky numbers at color of the day ang 1-13-27-42 at violet.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– May mga pangyayari sa tahanan na makapagbibigay ng hinanakit na siyang daan para maging sensitibo ang pag-iisip. Ang pag-iisip ng hindi maganda ay magbibigay ng kamalasan sa buhay na sana ay lumalandas na sa daan ng tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 3-15-28-33 at brown.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Makikita at malalaman ngayon ang pagkakamali na kung itutuwid at babaguhin ay malaki ang pag-asang lalandasin ang tagumpay. Ipagpatuloy ang sipag at pasensiya at matutupad ang kaunlarang hangad sa buhay. Lucky numbers at color of the day ang 3-10-17-35 at pink.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Kung ano ang ipinunla ay siyang aanihin. Kung gumawa ng kasamaan sa kapwa ay babalik din ito sa iyo. Kung napabilang dito, panahon na ng pagbabago upang mapasaiyo ang suwerte. Lucky numbers at color for the day ang 6-20-31-44 at green.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Balikan ang alaala ng kahapon dahil ang di-marunong lumingon sa pinanggalingan ay di-makararating sa patutunguhan. Ang pagkakamali ng lumipas ay aral na hindi na dapat na maulit. Lucky numbers at color of the day ang 2-14-27-33 at fuschia.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Makakamit ang hinahangad kung buo ang loob. Huwag asahan ang iba kundi ang sarili. Ikaw ang gumagawa ng iyong kinabukasan at sa gabay ng Panginoong Maykapal, magtatagumpay kung ito ay palaging nasa positibong isipan. Kung hangad ang kaunlaran, plano at kilos ang kailangan. Lucky numbers at color of the day ang 2-14-30-42 at red.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Daranasin ang hirap at paghihikahos kung makasarili. Kung babaguhin ang patakaran na magiging matulungin at maunawain, dadaloy ang suwerte. Kung nagkamali, matutong humingi ng dispensa. Lucky numbers at color of the day ang 1-14-16-30 at blue.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Maaaring magsaya subalit iwasan ang maglasing. Iwasan ding makipag-argumento nang hindi mapasok sa gulo at di-pagkakaunawaan. Maging mapagmasid at may taong naiinggit sa iyo. Lucky numbers at color of the day ang 7-25-30-39 at white.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Ang pinakamagandang handog sa sarili ay ang pagbabago ng masamang ugali. Sa pagbabagong ito ay papasok at lalapit ang suwerte. Pangalagaan ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 5-12-28-32 at indigo.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Magpapatuloy ang masaya at magandang pagsasama ng minamahal sa kabila ng paminsan-minsang magkakasalungat ninyong opinyon. Pag-ibig ang dahilan kung bakit nananatiling mainit at nakabigkis ang relasyon. Lucky numbers at color of the day ang 2-25-39-41 at green.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PANGINOONG MAYKAPAL

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with