^

Kutob

Marso 13, 2002

- Madam Rosa -
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) – Magkakaroon ng isang matinding kakumpitensya na susubok sa iyong kaalaman. Huwag mag-alala dahil may ilang kasamahang papanig at magbibigay sa iyo ng suporta. Maaaring magkaroon ng diskuntento sa iyong pinaglilingkuran. Lucky numbers at color for the day ang 3-7-12-44 at cream.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Maging positibo sa pananaw sa buhay. Masaya ang araw sa paglilibang kasama ang pamilya. Pasalamatan ang Panginoong Maykapal sa mga tinatamasang biyaya. Lucky numbers at color for the day ang 2-8-14-28 at white.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Kung ano ang ginawa ay babalik sa iyo. Masusupil ngayon ang sobrang mapaghinala sa kapareha. Sa dakong hapon ay mag-ayos at itapon ang hindi na mapapakinabangang gamit. Matutong tumanaw ng utang na loob. Lucky numbers at color for the day ang 6-15-29-33 at burgundy.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Mapapatunayang may mga pangakong ginagawa ng iba para sirain din. Magpakahinahon at huwag maging maiinitin ang ulo at baka makasagupa ng taong hindi mo pinapangarap na makabangga. Pag-usapan ng kapareha ang lumalamig na relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 17-19-37-45 at electric blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Kailangang gumawa ng hakbang upang hindi malagay sa balag ng alanganin ang relasyon. Magkakaroon ng dagdag na problema ang perang hiniram ng isang kaibigan na hindi kayang bayaran. Lucky numbers at color for the day ang 3-12-27-42 at royal blue.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Makabubuting suriin ang badyet upang hindi mapasubo sa gastusan at magsisi sa bandang huli. Huwag balewalain ang pagpapaunlad ng professional skill dahil kakailanganin mo ito. Lucky numbers at color for the day ang 7-23-33-41 at tangerine.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Ikaw ang higit na maaapektuhan sa ginagawang pakikipagtikisan sa mga nakatataas sa tungkulin. Pairalin ang kababaang-loob at sundin ang alituntunin ng pinapasukan. Maging pasensyoso sa lahat ng bagay. Lucky numbers at color for the day ang 11-29-35-40 at canary yellow.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Ang inaakalang isang ordinaryong gawain ay pag-uugatan ng hindi pagkaraniwang tagumpay. Huwag nang magbalak na buhayin ang pagmamahalan ng dating karelasyon. Maghanap na lamang ng ibang susuyuin at mamahalin. Lucky numbers at color for the day ang 2-15-34-38 at yellow green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Makakatanggap ng isang mahalagang tawag mula sa isang mapagkakatiwalaang source na posibleng maging dahilan upang maunahan ang mga katrabaho sa pagkuha ng mapapakinabangang impormasyon. Ipairal lagi ang magandang pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ang 1-13-33-42 at scarlet red.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– May planong dalawin ang ilang kaanak na nasa malayong lugar ngunit hindi rin ito maisasakatuparan dahil sa kakapusan ng pera. Sa dakong tanghali ay may matatanggap na malaking hamon na iyo namang malalampasan. Lucky numbers at color for the day ang 5-10-15-30 at aquamarine.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Magkakaroon ng karagdagang kaalaman kung paanong higit na maisasaayos ang kalagayan ng buhay. May mabilis at mataas na pag-angat ang kalagayan. Huwag matakot na ipagkipagsapalaran ang maliit na impok. Huwag mabahala kung may konting kalugihan ang negosyo dahil pag bumawi naman ito ay higit pa sa iyong inaasahan ang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 12-19-22-37 at dollar green.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Magkakaroon ng usapin at pagtatalunan ng isang kaibigan ang tungkol sa pera. Gawin at tapusin ang mga bagay habang may oras pa. Magiging abala pagdating sa dakong hapon. May pangakong hindi matutupad dahil sa kaabalahan. Lucky numbers at color for the day ang 8-18-28-38 at orange.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

MAGKAKAROON

NUMBERS

OKT

PANGINOONG MAYKAPAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with