1,019K ‘hot meat’ nakumpiska sa Nueva Ecija
MANILA, Philippines — Kinumpiska ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang nasa 1,019 kilo ng karne at iba pang meat products na nagkakahalaga ng P203,928 sa isinagawang operasyon sa palengke ng Gapan at Cabanatuan City sa Nueva Ecija.
Kabilang sa mga kumpiskadong kalakal ang mga frozen meat na walang dokumento, mga frozen, thawed (natunaw mula sa pagkakapirmi sa yelo), at chilled meat na tinatawag na “hot meat,” at mga produktong itinuring na hindi ligtas para kainin ng mga tao.
Ang mga paglabag ng may-ari ng mga kumpiskadong kalakal ang paglabag sa Department of Agriculture Administrative Order No. 6, series 2012, na nagtatakda ng mga alituntunin sa paghawak ng frozen, thawed, at chilled meat sa mga pamilihan ng karne.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. layon ng hakbang na protektahan ang mga mamimili habang iniingatan ang suplay ng pagkain sa bansa.
Kasama sa operasyon ang mga tauhan mula sa NMIS Enforcement at Regional Technical Operations Center 3, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Inspection and Enforcement unit ng Department of Agriculture, at ang mga lokal officials ng Gapan at Cabanatuan.
- Latest



















