^

Probinsiya

Pilipinas hindi ‘kuta’ ng mga wanted - PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pilipinas hindi ‘kuta’ ng mga wanted - PNP
PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr.
Philippine National Police

Sa foreign fugitives

MANILA, Philippines — Nagbabala si Philip­pine National Police (PNP) chief PGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. sa mga dayuhang may kinakaharap na kaso sa kani-kanilang bansa na hindi maaaring gawing taguan ang Pilipinas upang makaiwas sa batas kaya inutos niya ang mas mahigpit na pagbabantay at pagsu­baybay sa mga dayu­hang pinaghahanap dahil sa pagkakasangkot sa mga krimen sa kanilang sariling bansa.

Ang pahayag ni Nartatez ay kasunod ng pagkakaaresto sa isang Chinese national na halos 12 taon nang naninirahan sa Pilipinas nang walang legal  na mga dokumento. Nahaharap ang suspek sa kasong pandaraya sa South Korea at dinakip ng mga operatiba ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Brgy. Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga noong Nobyembre 13. Isinagawa ang pag-aresto alinsunod sa warrant of arrest na inilabas ng Seoul Western District Court sa South Korea. Kinumpirma naman ng Bureau of Immigration (BI) na ilegal nang nananatili sa Pilipinas ang suspek matapos mag-expire ang kaniyang pinahintulutang pananatili noong Disyembre 1, 2014. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng arresting unit.

Tiniyak ni Nartatez na  paiigtingin ng PNP ang pangangalap ng impormasyon at mga operasyon upang matiyak na walang dayuhan, anuman ang kaniyang nasyonalidad o tagal ng pananatili sa bansa, ang gagamit sa Pilipinas bilang taguan laban sa batas.

Inatasan din niya ang mga kinauukulang yunit ng pulisya na palakasin ang pakikipag-ugnayan sa Bureau of Immigration upang matukoy at masubaybayan ang mga dayuhang overstaying o posibleng sangkot sa mga krimen.

Binigyang-diin ng PNP na patuloy silang makikipagtulungan sa mga lokal at dayuhang awtoridad upang matiyak na hindi magagamit ang teritoryo ng Pilipinas bilang kanlungan ng mga taong tumatakas sa hustisya. Walang sinuman ang dapat makaiwas sa pananagutan sa batas dahil lamang sa pagtatago sa ibang bansa.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with