No. 2 ‘most wanted’ sa Calabarzon, huli sa Quezon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Nalambat sa Pitogo, Quezon ang isang 49-anyos na lalaki na itinuturing na No. 2 most wanted person sa rehiyon ng Calabarzon region dahil sa kinakaharap na mga kasong terorismo, murder at frustrated murder.
Ayon kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, ang suspek na si alyas “Aldo” isang mangingisda at residente ng Libon, Albay ay dinakip ng mga operatiba ng Pitogo Municipal Police Station katuwang ang Philippine Army at Quezon Provincial Mobile Force Company.
May nakabinbing warrant of arrest laban sa suspek dahil sa paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020 at kasong murder, na kapwa walang inirekomendang piyansa, habang may itinakdang P200,000 piyansa para sa kasong frustrated murder.
- Latest

















