^

Metro

Bata sugatan sa improvised gun sa Quezon City

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang bata matapos pumutok ang isang improvised gun sa Quezon City, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).

Sa report na nakarating kay QCPD Director PBGen. Christopher Olazo, dinala sa pagamutan ang bata matapos magtamo ng sugat sa insidente.

Ayon sa QCPD, saklaw ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang mga gawang-bahay na baril. Maaaring managot sa batas ang sinumang ilegal na nagmamay-ari nito kahit hindi pa ginagamit o naipapaputok.

Narekober ng mga tauhan ng QCPD ang improvised handgun, magazine at isang basyo ng bala na kalibre 9mm.

Dahil dito, nagbabala si Olazo sa publiko na huwag hayaang maabot ng mga bata ang mga baril at bala dahil maaari itong magdulot ng malubhang pinsala o kamatayan.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang mga pangyayari at kung paano napunta sa bata ang naturang baril.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with