50 pang bus idadagdag sa EDSA Busway
Para sa ASEAN Summit, Christmas
MANILA, Philippines — Sisimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Huwebes ang pagpapakalat ng mga karagdagang bus sa EDSA Busway.
Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, inatasan na niya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ang road sector ng DOTr na mag-deploy pa ng karagdagan pang 50 bus.
Bilang paghahanda aniya ito sa nalalapit na pagdaraos ng ASEAN Summit at inaasahang pagdami ng mga pasahero sa panahon ng Kapaskuhan.
“Inutusan ko ang LTFRB at ang road sector ng DOTr na magdagdag starting tomorrow (Nob 12) ng 50 bus sa busway”, ayon pa kay Dizon, sa isang media interview. “So ang dagdag niyan kada araw ay 30,000 passengers sa existing na pasahero ng busway.”
Bukod rito, magdaragdag din aniya sila ng isa pang batch ng mga bus sa Disyembre.
Ipinaliwanag ng Kalihim na layunin ng hakbang na tugunan ang problema sa mahabang pila ng mga pasahero at traffic buildup na naobserbahan sa mga area ng Ortigas at SM Megamall.
- Latest















