^

Police Metro

3 holdaper ng gasolinahan sa Cavite, nakorner sa Parañaque

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki na umano ay nangholdap sa isang gasoline station sa Cavite ang naaresto nang matunton na sila ay nag-check in sa isang hotel, sa isinagawang joint operations ng Bacoor Police at Parañaque City Police noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Kyler”, 38; alyas “KJ”, 28; at alyas “Gio”, 35 na nangholdap sa isang gasoline station sa Barangay Zapote 3, Bacoor City, alas-11:00 ng umaga ng nasabing araw.

Isinagawa ang hot pursuit operations at sa pamamagitan CCTV footage at GPS location mula sa natangay na cellphone sa mga biktima ay natukoy na nasa erya sila ng Paranaque at natunton sa isang hotel sa Ninoy Aquino Avenue, Barangay San Dionisio.

Nasamsam ang tatlong pekeng baril, 13 gramo o katumbas na halagang P88,400.00. Narekober din ang isang iPhone at isang android phone na tinangay sa cashier at crew ng gas station at P10,235.00 cash.

Kinumpiska rin ang motorsiklong ginamit sa insidente, at iba pang ebidensya.

HOLDAPER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with