^

Metro

QCPD doble alerto na sa Undas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
QCPD doble alerto na sa Undas
Families clean the tomb of their loved ones who have passed and offer prayers, candles and flowers at the Bagbag Cemetery in Novaliches, Quezon City on October 30, 2026 ahead of the observance of All Soul's Day, to avoid the expected influx of visitors.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Isang araw bago ang Undas, mas pinaigting pa ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen.Christopher Olazo, ang security deployment plan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko  na dadalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay.

Ayon kay Olazo, kabilang sa mga paghahanda ang pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan at iba pang stakeholder, inspeksiyon sa mga transport hub, at pagsasagawa ng simulation exercise kaugnay ng kahina-hinalang bagaheng posibleng naglalaman ng pampasabog sa isang terminal ng bus.

Ilalagay ang mga pulis, katuwang ang mga force multiplier, sa mga sementeryo, columbarium, memorial park, terminal ng transportasyon, istasyon ng LRT at MRT, mall, pamilihan, simbahan at iba pang lugar na inaasahang dadagsain ng publiko. Magtatayo rin ng Police Assistance Desks upang magbigay ng tulong sa mga mamamayan, habang paiigtingin ang pagpapatrolya sa mga residential community upang maiwasan ang krimen at mabantayan ang mga bahay na maiiwang walang tao.

Pinaalalahanan ng QCPD ang publiko na sundin ang mga patakaran sa seguridad at mga alituntunin ng lokal na pamahalaan, kabilang ang mga pagbabawal sa pagdadala ng armas, matutulis na bagay, alak, sigarilyo, vape products, kagamitan sa pagsusugal, madaling magliyab na materyales, at malalakas na sound system sa mga lugar na saklaw ng naturang mga pagbabawal.

UNDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with