Kris, ayaw sa pangit na GF para kay Bimby!

Inamin ni Kris Aquino na gusto niyang ma-appoint sa Department of Health (DOH) kung mabibigyan ng pagkakataon at kapag naging maayos na ang kalusugan.
Sa pinakaabangang guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi niyang bukas siya sa pagpasok sa public service kung maayos lang sana ang kanyang health.
“Yes, but I’m not healthy. My dad had always... parang ‘yun ang akala nung dad ko para sa akin but we need a miracle. Hindi ibibigay ang lahat,” aniya.
“But ako, if ever, sana ma-appoint na kung sino man ang mahahalal na maging ano, DOH kasi sa experience ko,” dagdag niya.
Pagmamalaki pa niya, alam na umano ng publiko na hindi siya magnanakaw ng pera ng taumbayan.
At take note, may mga plano na siyang nais niyang ipatupad kung mabibigyan siya ng pagkakataong humawak ng naturang posisyon.
“Alam nilang hindi ako magnanakaw and ‘yung mapababa lang ang cost ng gamot, ang laking bagay na. Maybe by not taxing the importation of medicine so high, we can already make it so affordable,” sey ni Krisy.
Ipinunto rin ni Kris na higit na kailangan ngayon ang mga tapat na lingkod-bayan pero nilinaw naman niya agad na wala siyang partikular na taong tinutukoy sa kanyang pahayag.
“Feel ko kasi talaga na dapat ang mga na-appoint ‘yung alam ng taong may natabing pera na.
“Wala po akong sinasabi at pinariringgan ngayon but I would think we deserve honest public servants,” sey niya.
Isa rin sa napag-usapan nila ni King of Talk Boy Abunda ay ang tungkol sa love life ng bunso niyang anak na si Bimby.
Ayon kay Kris, totoong ipinagdarasal niya na maganda sana ang babaeng mapapangasawa ni Bimby bukod sa pagiging matalino at mabait.
“Anyone who will become Bimb’s girlfriend and his wife in the future, sinasabi ko na naka-jackpot ‘yung babaeng ‘yun kasi maalaga si Bimb, mapagmahal, and I am so definite na he will be 100% faithful,” simulang pahayag ni Kris.
“I’ve been matching him with these girls na I say na ‘Bimb I like her to be my daughter-in-law.’ ‘Yeah, mama, she also wants you to be her mother-in-law. The problem is she doesn’t like me.’
“Ako talaga, ipinagdarasal ko talaga, sana maganda ‘yung girl. I’m sorry. Anyone who will become Bimb’s girlfriend and his wife in the future, sinasabi ko na naka-jackpot ‘yung babaeng ‘yun kasi maalaga si Bimb, mapagmahal, and I am so definite na he will be 100% faithful,” dagdag pa ng aktres/TV host.
Paliwanag pa niya, “I know it sounds na parang, ‘Wow. She hasn’t changed. Medyo mababaw!’ Pero ‘di ba, Boy, kasi, Bimb is the one who will carry on the Cojuangco-Aquino last name…”
Patuloy niya, “I’m sure hindi siya magmamahal ng someone na pangit ang ugali. Pero you know, baka magpa-cute pa-cute lang tapos nag-make up eh paano kapag nawala ‘yung makeup tapos hindi siya gano’n kaganda?”
But so far naman daw, puro magaganda at matatalino naman ang ipinakikilala sa kanya ni Bimby
“So far, all the girls that I’ve met, all are pretty. And all are smart,” aniya
Tungkol naman sa sariling lovelife, sa kabila ng pakikipaglaban sa karamdaman ay hindi naman niya isinasara ang kanyang puso sa panibagong pag-ibig.
Sa ngayon ay single siya pero mas gusto niya raw sana na doktor ang kanyang next boyfriend na maiintindihan ang kanyang health condition.
- Latest




















