^

Metro

52 pamilya sa Maynila, may bagong tahanan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Handog ng ika-52 kaarawan ni Isko

MANILA, Philippines — Limampu’t dalawang pamilya sa Maynila ang napiling benepisyaryo ng pabahay matapos mabunot sa grand raffle ng In-City Vertical Housing Project na isinagawa kasabay ng ika-52 kaarawan ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso noong Oktubre 24, 2026.

Titira ang mga benepisyaryo sa San Lazaro Residences, isang 20-palapag na gusali na may dalawang silid-tulugan at lawak na 42 metro kuwadrado bawat unit. Nakatakda sa P2,000 hanggang P3,000 ang buwanang hulog.

Personal na bumunot ng mga pangalan sina Domagoso at Vice Mayor Angela Lei “Chi” Atienza sa harap ng may 3,300 aplikante na sumubaybay sa raffle.

Ayon kay Domagoso, hindi maaaring ibenta o ilipat sa iba ang mga unit. Kapag isinuko ng benepisyaryo ang tirahan, ibabalik sa kanya ang kabuuang halagang naihulog. Umabot na rin sa P50 milyon ang pondong naipon mula sa mga hulog ng programa.

Ang San Lazaro Residences ang ikapitong natapos na In-City Housing project sa ilalim ng admi­nistrasyon ni Domagoso, na nangakong palalawakin pa ang programa upang mabigyan ng disenteng tirahan ang mas mara­ming pamilyang Manileño.

FRANCISCO DOMAGOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with