^

Probinsiya

Bombang gagamitin sa EOR training sumabog: 2 PCG personnel sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bombang gagamitin sa EOR training sumabog: 2 PCG personnel sugatan
Map of Zamboanga City.
Wikimedia

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasugatan makaraan ang aksidenteng pagsabog sa loob ng kanilang barracks sa Zamboanga City International Pier nitong Sabado ng gabi.

Sa ulat ng Zamboanga City Police, bandang alas-10:39 ng gabi ng mangyari ang insidente sa loob mismo ng barracks ng Explosive Ordnance Disposal Unit-Southwestern Min­danao sa compound ng Port Police sa kahabaan ng Corcuera Street sa Port Area dakong alas –10:39 ng gabi.

Ayon sa imbestigas­yon, kasalukuyang naghahanda ang mga tauhan PCG para sa gagana­ping Explosive Ordnance Reconnaissance Agent Training nang mangyari ang wala sa oras na pagsabog ng eksplosi­­bong gagamitin sa pagtuturo.

Agad namang isinugod sa Ciudad Medical Hospital ang dalawang nasugatang PCG personnel para malapatan ng lunas.

Kaugnay nito, pinasubalian naman ng PCG Zamboanga ang mga espekulasyon na ang pagsabog ay posibleng kagagawan ng mga te­rorista.

Inihayag pa ng PCG na “isolated”  lamang ang pangyayari sa routine handling ng mga eksplosibo at mga materyales na gagamitin sa pagsasanay.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

PCG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with