^

PSN Palaro

Nxled lusot sa farm fresh

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Nxled lusot sa farm fresh
Pinalo ni Myla Pablo ng Nxled ang bola sa kanan laban kay Joanna Perdido ng Farm Fresh.
PVL photo

MANILA, Philippines — Hinataw ng Nxled ang ikalawang sunod na pa­nalo matapos makawala sa Farm Fresh, 25-19, 25-17, 23-25, 20-25, 15-12, sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab leg kahapon sa Playtime FilOil Centre sa San Juan City.

Pumalo si Fil-Am Brooke Van Sickle ng 20 points mula sa 14 attacks at anim na blocks para sa 2-0 record ng Chameleons na nakahugot kay Myla Pablo ng 17 markers.

Si Pablo ang naging susi sa dulo ng fifth set tampok ang panapos na block.

“Siyempre, nasa isip ko talaga is mang-block lang sa loob ng court kasi kung maka-touch man ako, malaking bagay na kasi malakas naman iyong sa harapan namin,” ani Pablo.

Nagdagdag si Jackie Acuña ng 12 points kasunod ang 11 markers ni Fil-Am MJ Phillips, habang may 31 excellent sets si setter Gel Cayuna para sa tropa ni Italian coach Ettore Guidetti.

Bigo ang Foxies na makuha ang back-to-back wins para sa 1-1 marka.

Maagang nagdiwang ang Nxled matapos maiposte ang 2-0 kalamangan kasunod ang pag-agaw ng Farm Fresh sa third at fourth sets para makahirit ng fifth frame.

Sumaklolo si Pablo sa dulo ng fifth set mula sa kanyang apat na puntos kasama ang final block para selyuhan ang pagtakas ng Chameleons.

Samantala, bumalikwas ang Creamline mula sa first set loss para resbakan ang Galeries Tower, 27-29, 25-18, 25-19, 25-18, at dumiretso sa kanilang ikalawang dikit na ratsada.

Naglista si Tots Carlos ng 13 points para sa back-to-back wins ng Cool Smashers kasabay ng pag­huhulog sa Highrisers sa 0-2 marka.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with