Solong liderato inupuan ng Fighting Maroons

MANILA, Philippines — Humugot ng lakas ang Univeristy of the Philippines sa second half upang kalusin ang University of the East, 91-81 kagabi sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa UST Quadricentennial sa España, Manila.
Nakaligtas sa muntikang pagkatalo ang Fighting Maroons dahil sa mainit na laro ng Red Warriors sa first half kung saan ay naghabol sila ng tatlong puntos, 45-48 sa halftime.
Dahil sa panalo ng Fighting Maroons nasolo nila ang top spot ng team standings tangan ang 5-2 record, habang magkasalo sa No. 2 ang Far Eastern University Tamaraws at National University Bulldogs na may tig-4-2 baraha.
“Actually naunahan kami ng UE in a way. That’s one test for the team, coming from behind, playing tough defense para makabalik sa game. Along the way siyempre kailangan namin matuto to start strong. I guess as we go along sa season, we’ll learn to do those,” sabi ni UP head coach Goldwin Monteverde.
Bumira si James Payosing ng impresibong double-double na 16 points at 12 rebounds para sa UP na na tinarak ang three-game winning streak.
Nanatiling nasa ilalim ang Red Warriors na wala pang panalo sa pitong laro.
Bumakas naman si Chicco Briones ng 13 points mula sa perfect 3-of-3 sa shooting para sa UP habang tig-12 at 11 ang binakas nina Gani Stevens at Veejay Pre, ayon sa pagkakasunod.
Pinamunuan naman ni Toper Lagat ang opensa para sa Red Warriors sa tinikadang 26 markers.
Samantala, hinablot ng Univeristy of Sto. Tomas ang No. 4 spot sa team standings matapos nilang lapain ang Ateneo de Manila University, 80-68.
Nirehistro ng Growling Tigers ang 4-3 karta matapos ang mabangis na laro nila sa third canto.
Naging mahigpittan ang laban sa unang dalawang period kung saan ay dalawang puntos lang ang lamang ng Growling Tigers, 34-32 sa halftime.
Nalasap ng Blue Eagls ang pang-apat na talo sa pitong salang.
- Latest
















