Hepe ng Pasay Police sibak sa command responsibility
MANILA, Philippines — Tinanggal sa puwesto ang hepe ng Pasay City Police na si PCol. Joselito De Sesto kaugnay sa kinakaharap na reklamo ng ilang tauhan na umaresto sa ilang menor-de-edad na pinakawalan sa Pasay City nitong nakalipas na buwan.
Kinumpirma naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PBGen. Christopher Abrahano ang pagsibak kay De Sesto nitong Setyembre upang bigyang-daan ang isinasagawang imbestigasyon ng NCRPO sa isyu command responsibility kaugnay sa inihaing reklamong Child Abuse at Robbery ng limang menor-de-edad.
Pansamantala namang itinalaga kapalit ni De Sesto si PCol. Robert Baesa, District Deputy Director for Operation ng Southern Police District (SPD) bilang Acting Chief of Police ng lungsod.
- Latest















