^

PM Sports

Eala kinilig kay Sharapova

Chris Co - Pang-masa
Eala kinilig kay Sharapova
Sina tennis legend Maria Sharapova at Pinay net­ter Alex Eala sa ‘Pretty Tough’ podcast.

MANILA, Philippines — Kinilig si Asian Games bronze medalist Alex Eala nang muli nitong makita si dating Grand Slam champion Maria Sharapova para sa isang podcast ng Russian tennis star.

Nasilayan ng lahat ang post ni Sharapova sa so­cial media kung saan ibi­na­hagi nito ang guesting ni Eala sa kaniyang Pretty Tough podcast.

Halatang-halata ang excitement ni Eala nang per­sonal nitong makita si Sharapova na isa sa ini­ido­lo nito sa mundo ng tennis — mula sa playing style hanggang sa fashion.

“Oh my God. Oh my goodness. Nice to meet you,” ani Eala sa video na pinost ni Sharapova.

Nagpasalamat naman si Sharapova sa panahong ibinigay ni Eala para ma­ging bahagi ng kaniyang podcast.

“Look at you. Thank you for finding time for us,” ani Sharapova.

Sinabi ni Sharapova na isa si Eala sa popular de­mand ng mga followers nito sa social media para ma­­ging guest sa kaniyang podcast.

“By very popular demand — and rightfully so … she’s the girl of the mo­ment,” ani Sharapova sa kaniyang post.

Hindi naman ito ang unang pagkikita nina Eala at Sharapova.

Matatandaang naka­pag-picture na si Eala no­ong bata pa ito habang ak­tibo pang naglalaro sa WTA Tour si Sharapova.

Ibinahagi pa ni Eala kay Sharapova ang ka­nilang larawan base sa ilang clips na inilabas ng Pretty Tough podcast.

Kaya naman inaaba­ngan na ng lahat ang pag­labas ng podcast ni Sha­ra­pova.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with