^

Metro

QCPD ilunsad Project KRIS sa community partnership

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
QCPD ilunsad Project KRIS sa community partnership
Pinangunahan ni QCPD Director PBGen. Christopher Olazo ang paglulunsad, kasama si NCRPO chief PBGen. Christopher Abrahano kung saan isinagawa ang oath-taking at pag­lagda ng mga stakehol­der sa Pledge of Support para sa proyekto.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Inilunsad kahapon ng Quezon City Police District (QCPD) ang Project KRIS (Kabalikat, Report, Intervene, Samahan) sa Camp Karingal, Que­zon City, bilang hakbang upang palakasin ang ugnayan ng pulisya at mga residente sa pagpigil sa krimen at pagpapanatili ng kaligtasan sa komunidad.

Pinangunahan ni QCPD  Director PBGen. Christopher Olazo ang paglulunsad, kasama si NCRPO chief PBGen. Christopher Abrahano kung saan isinagawa ang oath-taking at pag­lagda ng mga stakehol­der sa Pledge of Support para sa proyekto.

Ayon kay Abrahano, mahalaga ang tiwala ng publiko sa pulisya upang maging epektibo ang pagpapatupad ng batas. Aniya, hindi sapat ang pagbaba ng crime statistics kung patuloy namang nagiging biktima ng krimen ang mga ordinar­yong mamamayan.

Layunin ng Project KRIS na hikayatin ang mga QCitizen na makipag­tulungan sa pulisya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon, agarang pag-uulat at aktibong pakikilahok sa mga hakbang laban sa krimen at iba pang banta sa public safety.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with