^

Probinsiya

2 bahay inararo ng 10-wheeler: 7 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 bahay inararo ng 10-wheeler: 7 sugatan
Kinilala ni PMajor Arjon M. Oxina, hepe ng Pagbilao Municipal Police Station, ang mga nasugatan na sina alyas Jessie, driver ng truck; Sunshine, 32, housewife; John, 18, estudyante; Ken, 25, helper; Kiana, menor-de-edad; Khalie, menor-de-edad; at isang Rey, helper.
Illustrate by John Villamayor

PAGBILAO, Quezon, Philippines — Pito katao ang nasugatan matapos mawalan ng kontrol ang isang 10-wheel wing van truck na kargado ng mga sa­ging at araruin ang dalawang bahay at dalawang nakaparadang motorsiklo sa, Pagbilao, Quezon kahapon. 

Kinilala ni PMajor Arjon M. Oxina, hepe ng Pagbilao Municipal Police Station, ang mga nasugatan na sina alyas Jessie, driver ng truck; Sunshine, 32, housewife; John, 18, estudyante; Ken, 25, helper; Kiana, menor-de-edad; Khalie, menor-de-edad; at isang Rey, helper.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, alas-5:00 ng umaga habang bumibiyahe ang trak mula Tagum City, Davao del Norte patungong Urdaneta City, Pangasinan na kargado ng mga sa­ging nang biglang mawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver habang binabagtas ang isang pababang kurbada sa Sitio Upper Sapinit, Barangay Silangang Ma­licboy ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat, sumobra umano sa kabig ang trak dahilan upang tumagilid sa kaliwang bahagi. Dito tinamaan at nahila pa ng trak ang mga metal barrier sa gilid ng kalsada bago tuluyang inararo ang dalawang bahay.

Hindi lamang mga istruktura ang napinsala sa insidente dahil nadamay rin ang dalawang nakaparadang motorsiklo na nasa paligid ng mga bahay.

Sa lakas ng pagkakabangga, ilang residente at mga sakay ng trak na nasa pito katao ang nagtamo ng mga pinsala na agad isinugod sa Quezon Medical Center.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with