Aga at Charlene, sinagot ang mga basher ni Atasha!

Walang mapasidlan ng sobrang kasiyahan ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.
Pagkatapos magpakitang-gilas ni Andres Muhlach sa Bagets The Musical, si Atasha naman ngayon sa Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical na nagsimulang mapanood sa Newport Performing Arts Theater (NPAT) noong Biyernes, Sept. 18.
Bago namin makatsikahan ang mag-asawa, nakausap muna namin ang director nitong si Chris Millado na natuwa sa performance ni Atasha.
Aniya, “Well, the excitement, the energy is very high. And she’s been working really hard for the past more than nine weeks, and I’m very very happy about her. The way she worked, the way what she’s achieved these many weeks. And of course, part of it is like part of the journey was her like finding ‘yung character talaga ni Annie Batungbakal.
“And I’m happy naman that she’s coming to her own in terms of giving her own interpretation. Ibang-iba ‘yung interpretation of course what we expected from the movie, because naiba nga ‘yung storyline.
“And one thing siguro about Atasha is what she brings ‘no? Of course ‘yung youthful adolescent energy that what we’re trying to portray Annie at the same time.
“‘Yung pagiging street smart na Annie Batungbakal, na hindi lang siya laki sa Frisco, Del Monte. So, hindi siya puwedeng mabudol.
“Nahanap niya ‘yung ano e, ‘yung pagiging determined na character ni Annie Batungbakal.”
Ibinahagi pa ni Direk Chris na ilang beses nagkaroon ng injury si Atasha sa kanilang rehearsals, pero hindi raw siya nagrereklamo. “Well, the trouper that she is naman. She recovered maski she was in pain, she took like lots of painkiller. And then kinontinue naman,” pakli ni Direk Chris.
Nang tinanong nga namin si Charlene, sinabi niyang meron pa raw sprain sa paa si Atasha, pero nakikita naman daw niya na nag-e-enjoy ito. “Ngayon nagpe-perform ‘yan, may sprain siya talaga. She sprained herself the other day ‘no? And that’s why, para makita namin siyang ganun... alam mo ‘yung saya niya. Mahirap ipaliwanag, pero kasama namin siya sa bahay. So, nakikita namin talaga ‘yung hirap niya na ‘yun.
“But sabi ko nga, ‘you got this Atasha.’ I always believe in her,” tugon ni Aga.
Gusto na lang ni Charlene na maging positive at huwag nang patulan ang mga bashing na inabot ni Atasha magmula nang in-announce na siya ang gaganap na Annie Batungbakal.
Pero nagsalita na rin silang mag-asawa kung paano nila pinayuhan ang kanilang anak. Ani Aga, “I’ll be honest ano sa mga tumira sa kanya noon talaga. Sabi ko, huwag mo na lang pansinin ‘di ba?
“Ganun talaga e. Malaki ‘yung show ang gagawin mo. And this is work. And sa mga tumira sa kanya, galing sa isang ama po. Eh (napangiti muna siya), nagtatrabaho lang ‘yung bata ‘di ba? Ahh wala naman pinagyayabang. Gusto lang maghanap-buhay. Gustong gumawa ng show. Ayan panoorin n’yo po. Maraming salamat sa inyong lahat.
“Sa lahat na nagmamahal, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat.”
Napangiti na rin si Charlene. At ang sabi na lang niya, “Ang sa akin lang, just you know, continue to be strong, and not just for Atasha but for everyone. Don’t let anybody stop you for reaching for your dreams, continue to reach your dreams.
“Road’s never easy, may mga ups and downs. But always go for your dreams. Huwag po kayong matakot, and enjoy the journey.”
Tuluy-tuloy na mapapanood sa NPAT ng Resorts World ang Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal The Musical hanggang Oct. 24.
Rhian, natulungan ng kanta
Hindi na nagkomento ang ilang taga-Sparkle tungkol sa talent nilang si Faith da Silva na nakitang kasama ng dating congressman na si Sam Verzosa.
Matagal na rin namang sinagot ni Faith ang tungkol sa kanila ni SV, pero ang nasabi lang niya ay talagang magkaibigan lang daw sila. Si Sam naman ay hindi na nagkomento at hanggang ngayon ay wala pang pag-amin.
Bago umalis sina Sam at Faith ay humarap pa sa ilang miyembro ng entertainment media si Rhian Ramos at napag-usapan ang tungkol sa healing power ng musika. Naniniwala siya rito. “I believe that. Super, super, super! I think it’s one of the things that makes you know that whatever you’re going through, you’re not the only one,” tugon ni Rhian.
Nakatulong ba ang music para sa paghilom niya sa mga pinagdaanang pagsubok sa buhay?
“Oh yeah. Parang for every era naman of life, parang I use music to experience it more,” sambit ng Kapuso actress
“Para bang you know, like when you’re going through something happy, you have happy songs all the time. And when you’re going through something sad, you have sad songs all the time.
“And like you listen to them and you understand it in a new way when you hear it. Depende sa pinagdaraanan mo. Parang ganun,” dagdag niyang pahayag.
Bukod sa lovelife niya ay may iba pang pinagdaanan si Rhian.
Isa na rito ang kinasangkutang kaso nila ni Michelle Dee na naibasura naman.
Sabi ni Rhian, “Michelle, you know, she’s been really busy this week. Kasi parang nag-Fashion Week and there were so many events. Nagtuluy-tuloy.
“I don’t think she’s feeling very well right now,” pakli nito.
Anong song niya para sa victory nila recently?
“A song for that? Ang hirap. Ang hirap pala!” Happy song?
“Yeah, yeah. Of course, of course. But also I’m the type of person that believes that bad things don’t happen,” tugon ng Kapuso actress.
“Na parang even if something’s happening and you think it’s hard at the time, it’s for a reason. I believe that there’s always a purpose. So I think my songs are mostly happy naman talaga all the time,” dagdag niyang pahayag na nakikita namang masaya na siya ngayon.
- Latest




















