^

Police Metro

3 dating SC Justices, haharap sa impeachment

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang humarap sa Senate impeachment court  sa Miyerkules ang tatlong retiradong Supreme Court (SC) Justices upang resolbahin ang 16 botong threshold para mahatulan si Vice President Sara Duterte  kaugnay ng rekisitos na 2/3 na boto ng 24 miyembro ng Senado.

Kabilang sa mga ito ay sina ret. Chief Justices Artemio Panganiban, Reynato Puno at ret. Associate Justice Adolfo Azcuna na  dadalo bilang amici curiae o kaibigan ng korte sa Setyembre 16.

Alinsunod sa Article Xi, Section 3 (6) ng 1987 Constitution walang sinumang opisyal ang maaring ma-convict sa impeachment trial kung walang 2/3 na boto o 16 miyembro ng Senado na nasa 24.

Gayunman, kailangan itong maresolba dahilan dalawa sa mga Senador na sina Senador Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada ang nakakulong kaugnay ng kasong plunder sa Sandiganbayan habang si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ay nagtatago at hindi rin dumadalo sa pagdinig habang si Senadora Loren Legarda ay hindi na rin sumisipot sa paglilitis na nasa ibang bansa.

Sa pagsisimula ng paglilitis kay VP Sara noong Hulyo 6 ay sinabi ni Escudero na 16 ang botong kailangan para mahatulan si VP Duterte pero kinuwestiyon naman ni Tulfo na dapat ayusin ang ‘voting threshold’ dahilan ilan sa mga Senador ay hindi naman nakakapagpartisipa sa paglilitis kaya paanong boboto ang mga ito.

Sinabi naman ni ret. Chief Justice Hilario Davide Jr., na magsisilbi lamang siya  bilang ‘amicus curiae’ pero hindi personal na dadalo sa impeachment court.

Nabatid na sina Azcuna at Davide ay kapwa miyembro ng 1986 Constitutional Commission na nag-draft ng 1987 Constitution na magbibigay ng legal na punto sa probisyon ng Saligang Batas.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with