^

Metro

DOLE: ‘Piso per parcel’ ni Rosmar, illegal

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
DOLE: ‘Piso per parcel’ ni Rosmar, illegal
Nagprotesta ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at mga kaalyadong grupo sa harap ng DOLE Central Office sa Maynila nitong Setyembre 14 at ipinanawagan ang pagpapatalsik kay Labor Secretary Francis Tolentino dahil sa Wage Order No. 28 na anila’y nagresulta sa mababang dagdag-sahod para sa mga manggagawa.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ilegal umano ang “piso per parcel” na sistema ng bayaran na iniaalok ng social media personality at negosyanteng si Rosmar Tan sa mga gustong kumita sa pagbabalot ng mga parcel, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Naglabas ng pahayag ang DOLE matapos magtanong ang law professor na si Josiah David Qui­sing tungkol sa anunsiyo ni Rosmar sa Facebook noong Agosto, kung saan nag-alok siya ng trabaho sa pagbabalot ng parcel kapalit ng P1 bawat isa.

Ayon sa post ni Rosmar, maaaring kumita ng hanggang P10,000 kada araw ang makakabalot ng 10,000 parcel. Sinabi rin niyang kaya ng isang tao na magbalot ng 700 hanggang 1,000 parcel sa loob ng walong oras at kumita ng P700 hanggang P1,000.

Ipinaliwanag ng DOLE na sa ilalim ng Article 101 ng Labor Code, ang mga manggagawang binabayaran batay sa resulta o rami ng natatapos na trabaho, kabilang ang piecework, pakyaw at task basis, ay dapat tumang­gap ng hindi bababa sa itinakdang minimum wage para sa normal na oras ng trabaho.

Ibig sabihin, kahit ­hindi umabot sa minimum wage ang kinita batay sa rami ng parcel na nabalot, kaila­ngan pa ring matanggap ng worker ang minimum wage na umiiral sa kanilang rehiyon. Kung lalampas naman dito ang kinita, dapat matanggap ng worker ang buong halaga.

Sinabi naman ni Rosmar sa kanyang post na makatatanggap pa rin ng minimum rate ang mga worker kahit hindi umabot dito ang kita mula sa pagbabalot, habang may dagdag na kita at bonus para sa mga makakabalot nang higit sa itinakdang dami.

DOLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with