^

Metro

Mga paaralan sa San Juan lalagyan ng walk-through metal detector

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mga paaralan sa San Juan lalagyan ng walk-through metal detector
Sinabi ni Zamora na inaprubahan na ng Local School Board ang resolusyong nagbibigay-daan sa paglalaan ng pondo para sa pagbili ng mga kagamitan. Layunin nitong mapalakas ang screening at pagbabantay sa mga taong pumapasok sa mga paaralan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Maglalagay ng walk-through metal detector at karagdagang handheld metal detector sa mga pampublikong paaralan sa San Juan City bilang bahagi ng pagpapalakas ng seguridad, ayon kay Mayor Francis Zamora nitong Linggo.

Sinabi ni Zamora na inaprubahan na ng Local School Board (LSB) ang resolusyong nagbibigay-daan sa paglalaan ng pondo para sa pagbili ng mga kagamitan. Layunin nitong mapalakas ang screening at pagbabantay sa mga taong pumapasok sa mga paaralan.

Noong Agosto, inihayag ng Department of Education (DepEd) ang plano nitong magbigay ng metal detectors sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa dahil sa mga ulat ng mga mag-aaral na nagdadala ng mapanganib na armas sa loob ng paaralan.

Kasunod ito ng mga naitalang insidente ng karahasan sa mga paaralan, kabilang ang pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City at ang insidente sa Zamboanga City kung saan dalawang estud­yante ang nasawi at nagpakamatay ang suspek.

FRANCIS ZAMORA

LSB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with