^

PSN Showbiz

Nikki Valdez, sasabak sa ‘laban’ ng my bespren Emman

Pilipino Star Ngayon
Nikki Valdez, sasabak sa ‘laban’ ng my bespren Emman
Nikki Valdez

Mas lalalim ang sikreto at mas iinit ang laban sa My Bespren Emman: Ang Totoong Laban sa pagpasok ni Nikki Valdez bilang Deborah Benitez, ang palaban at overprotective stage mom ni Chelsea na may itinatagong koneksyon sa isang mapanganib na pamilya.

Lingid sa marami, may kaugna­yan si Deborah kay Luciano o Cianong — ang kinatatakutang crime lord na matagal na niyang piniling talikuran. Pero nang pumasok si Mateo, na ginagampanan ni JM de Guzman, sa kanyang buhay, bigla siyang nakaramdam ng kakaibang instinct na bantayan at protektahan ito.

Ang dating bossy at pakialamerang “ate” energy niya kay Mateo ay maaaring mauwi sa isang rebelasyon na babago sa lahat. Habang papalapit si Cianong, mapipilitan si Deborah na harapin ang nakaraan niyang matagal nang tinatakasan.

Magiging kakampi ba siya sa laban nina Mateo at Ruth, played by Shaina Magdayao — o lalo lang magiging komplikado ang kanilang tunay na laban dahil sa mga sikretong dala niya?

Catch Nikki Valdez as Deborah in My Bespren Emman: Ang Totoong Laban, araw-araw sa TV5 tuwing 2:30 ng hapon.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with