^

Probinsiya

La Trinidad isinailalim sa state of calamity

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

LA TRINIDAD, Benguet, Philippines — Dahil sa inabot na matinding pinsala dulot ng mga bagyo at patuloy na pag-ulan sanhi ng habagat, isinailalim na ang La Trinidad, ang capital ng Benguet, sa state of calamity, kahapon.

Ayon kay Mayor Roderick Awi­ngan, ang deklarasyon ng state of calamity na inaprubahan ng Sangguniang Bayan ay base sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) matapos ang malawakang pinsala sa mga imprastraktura at agrikultura sa La Trinidad.

Sa huling tala, ang nasira sa imprastraktura ay umabot na sa P57 million, kasama na ang pangunahing kalsada tulad ng Benguet-Nueva Vizcaya Road na na-washout at hindi na madaanan.

Tinataya ni Awingan na gagastos P220 milyon para sa full rehabilitation ng mga pampublikong imprastraktura sa La Trinidad. Marami ring kabaha­yan ang nawasak dulot ng kalamidad na may inisyal na pinsala na P1.6 million habang sa akgrikultura ay umaabot na sa P25 million.

Ang deklarasyon ay nagpapahintulot sa pagpapalabas ng lokal na pamahalaan ng P13-million Quick Response Fund para sa mabilisang relief, emergency repairs, at assistance sa mga apektadong residente.

STATE OF CALAMITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with