NBA ‘di maglalaro sa Middle East
NEW YORK — Sa unang pagkakataon matapos ang limang taon ay hindi magdaraos ang NBA ng anumang preseason games sa Middle East.
Ito ay dahil na rin sa giyera sa pagitan ng United States at Iran ang mga kaguluhan sa rehiyon.
Bagama’t walang inihahayag ang NBA na preseason games sa Abu Dhabi, United Arab Emirates ngayong taon ay nagkaroon na sila ng pag-uusap sa Cleveland Cavaliers, Miami Heat, Brooklyn Nets at Washington Wizards.
Nagplano rin ang NBA na gawin ang unang laro ng season sa Doha, Qatar na hindi napanalisa.
Ang isang scenario ang paglalaro ng dalawa sa apat na koponan sa Doha at isa sa Abu Dhabi.
Ang Qatar Investment Authority ay isang minority owner ng Wizards’ parent company.
Noong Enero ay inihayag ng NBA at ng Abu Dhabi Department of Culture and Tourism ang extension ng kanilang kolaborasyon na nagtampok sa preseason NBA Global Games, pagpapalawak sa marketing activities at paglulunsad ng isang NBA Global Academy sa capital ng United Arab Emirates.
Magpapatuloy ang nasabing partnership at itatakda ang preseason games sa Abu Dhabi sa hinaharap.
Inaasahang muling magdaraos ng mga preseason games ang NBA sa Qatar bagama’t wala pang katiyakan kung kailan ito dahil sa gulo sa Middle East.
- Latest

















