^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Bakit hindi malambat ang ‘malaking isda’?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Bakit hindi malambat ang ‘malaking isda’?

PITONG buwan nagtatago si dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co. Umalis siya noon July 19, 2025 nang sumambulat ang multimillion-peso flood control project scandal. Si PBBM ang unang nagsiwalat sa scandal nang ihayag ito sa kanyang State of the Nation Address noong July 22, 20225.

Hanggang ngayon, walang nakaaalam kung nasaan si Co. May nagsasabing nasa Portugal ito at kamakailan ay nasa Sweden daw. Kanselado na ang passport ni Co na si President Marcos Jr. pa ang nag­­­hayag. Lumiliit na raw ang nilalakaran ni Co. Kung lumiliit, bakit hindi ito mahuli?

Noong Nobyembre, nangako si Marcos at DPWH Vince Dizon na magpapasko sa kulungan ang mga malalaking isda. Hindi ito natupad. Tanging ang private contractor na si Sarah Discaya at walong iba pang akusado ang naikulong noong Disyembre 20, 2025 sa Lapu-Lapu City Jail, Mactan, Cebu dahil sa graft at malversation of public funds kaugnay sa P96.5-bilyong flood control ghost project sa Davao Occidental.

Wala pa ang inaasam na “malaking isda” na si Co na sangkot sa bilyong pisong project sa Naujan, Oriental Mindoro. Matatandaan na naglabas ng mga series ng video si Co noong nakaraang Oktubre 2025 na nag-aakusa kina Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez na nasa likod ng P100 bilyong insertions sa 2025 budget. Ginamit umano siya nina Marcos at Romualdez.

Ibinunyag ni Co na siya mismo ang nagdala ng male-maletang pera kay Marcos at Romualdez sa mga bahay nito sa Forbes Park at nagdala rin ng pera sa Malacañang. Siya raw at kanyang mga security ang nag-deliver ng pera at walang napunta sa kanya. Lahat daw nang insertion sa 2025 budget ay napunta kay Marcos. Ipinakita rin ni Co ang video ng mga maleta na pinaglagyan umano ng perang idiniliber ng kanyang dating aide na si Orly Guteza sa Malacañang at Forbes Park.

Hindi naman malilimutan ang sinabi ni Co na si Ro­mualdez ang nagsabi sa kanya na umalis ng bansa sa utos umano ni Marcos. Kung may katotohanan ang sinabi ni Co, talagang hindi nga siya mahuhuli—may kumakanlong sa kanya na mas “dambuhalang isda?”

DPWH

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with