^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (60)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKAILAG ang lalaki sa unday ni Mommy Donna.

“Huwag Mam Donna! Mayroon lang akong sasa­bihin sa’yo kaya kita sinu­sundan!’’

“Danilo!’’

“Kahapon pa kita hina­hanap Mam Donna pero hindi kita makita. Nang makita kita kanina na bumaba sa dyipni, nandun ako sa malayo kaya hinabol kita. Pero ang bilis mong lumakad. Hindi naman kita matawag dahil baka magtahulan ang aso rito at mabulahaw ang mga natutulog akala e may magnanakaw na naman.’’
“E bakit mo ba ako sinusundan, Danilo?’’

“Kahapon po kasi e mayroong naghahanap sa’yo na naka-kotse. Ako ang napagtanungan kung may kilala raw akong Donna. E ikaw lang naman ang kilala kong Donna dito. Tinatanong ang bahay mo. Pero nag-alala ako na baka may masamang tangka sa’yo kaya hindi ko sinabi. Mahirap na baka mga masasamang tao yun e ako pa ang masisi.’’

Kinutuban si Donna.

“Anong itsura?’’

“’Yung nagtanong sa akin  e driver. Pero nasilip ko sa loob ng SUV na singkit ang lalaki --- parang Hapones.’’

“Hapones?’’

“Opo Mam Donna. Guwapong Hapones. Siguro mga 40 o 45 years old yun.’’

Nag-isip si Donna.

Sino ang maghahanap sa kanyang Hapones?

“Pagkatapos e anong nangyari?’’

“Umalis na sila nang sabihin kong hindi kilala.’’

“Salamat sa inpormas­yon. Maaasahan ka talaga. Sa sunod, tawagin mo ako kahit na mag-cause ng ingay. Kaysa naman masaksak kita.’’

“Opo, Mam Donna.’’

Dumukot ng pera si Donna at inabot kay Danilo.

“Salamat Mam Donna. Pagnakita ko uli ang mga naghahanap anong sasa­bihin ko?’’

“Itanong mo ang name ng lalaking naghahanap sa akin.’’

“Okey Mam Donna. Sa­lamat.’’

Nagmamadaling umuwi si Donna. Habang naglal­a­kad ay nag-iisip siya kung sino ang Hapones na nag­hahanap sa kanya.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with