^

Punto Mo

Krema (137)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKUHA nina Lex at Krema ang reward sa pagkakadakip sa drug syndicate na pinamumunuan ni Paulo. Isang milyong piso ang nakuha nila. Binigyan pa sila nang mataas na pagkilala ng drug enforcement agency dahil malaking tulong ang nagawa nila sa pagkakabuwag sa sindikato. Pero hindi na inihayag ang kanilang pangalan para hindi manga­nib ang buhay. Hindi na rin inilathala ang mga picture nila sa diyaryo. Bihira ang nakaalam sa Barangay Villareal na may nahuling sindikato ng droga sa kanilang lugar.

Balik sa normal ang buhay nina Lex at Krema. Magkatulong nilang inayos ang bahay na nagulo dahil sa pagpasok ng sindikato.

“Akala ko hindi na tayo magkikita, Krema,” sabi ni Lex habang pinupunasan ang mesang kakainan nila. Nag­luluto ng kanilang kakainin si Krema – ginataang hito na may talbos ng sili.

“Wala kang kamalay-malay na naroon lang ako sa secret lungga, he-he!’’

“Ang galing mong magtago. Akalain mo, ilang buwan ka ring nagtago at hindi man lang ako nakahalata.’’

“Pero minsan, muntik mo na akong abutan dito sa bahay.’’

“Bakit?’’

“Kumain ako rito at naligo. Nagpunta ka sa taniman noon kaya sumalisi ako.’’

“A kaya pala nagtaka ako nang maubos ang ulam. Ang tanda ko, marami akong nilutong adobong baboy nang araw na iyon pero biglang kumonti.’’

Napahalakhak si Krema.

“Nasabik kasi ako sa adobong baboy kaya naparami ang kain ko.’’

“E yung mga damit sa cabinet may kinuha ka rin ano?’’

“Oo. Mabuti nga at kinuha ko, kundi baka isinuot din ni Dang.’’

“Wala kasing damit kaya naawa ako.’’

“Naawa ka sa drug queen.’’

“Kung alam ko bang drug queen yun e di sana hindi ko tinulungan.’’

“Nakita ko naghalikan kayo. Nakasilip ako nang maghalikan kayo. Sarap na sarap ka.’’

Hindi nakasagot si Lex.

(Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with