^

PSN Showbiz

Cris, three years na ulit single!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Cris, three years na ulit single!
Tina Paner at Cris Villanueva

Matagal-tagal ding panahong hindi namin nakita at nakausap ang dating miyembro ng youth-oriented program na That’s Entertainment na si Cris Villanueva until nagkaroon kami ng pagkaka­taon na ito’y aming maka­panayam for our vlog, ang TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel.

Sa aming panayam, binalikan namin ni Cris ang nakaraan – na siya umano ang tumalikod sa loveteam nila ng actress-singer na si Tina Paner kaya nagalit sa kanya ang kanilang fans maging sila ni Tina ay unti-unting nag-drift apart. Ultimo ang yumaong si Kuya Germs (Moreno) ay nagulat sa naging desisyon noon ni Cris na gustong i-pursue ang kanyang acting career.

Although nauwi sa totoha­nan ang tambalan nila ni Tina, masyado pa umano silang mga bata pa noong mga panahong ‘yun.

Nilayasan na rin niya ang That’s Entertainment bago pa man ito natsugi nung 1996.

It took him one year matapos niyang talikuran ang tambalan nila ni Tina bago siya muling naging visible bilang solo actor.

Ayon kay Cris ay nag-usap umano sila ni Tina sa kanyang desisyon na mag-solo at naunawaan umano ng singer-actress.

Pa-throwback pa niya: “Alam nating lahat na may hangganan ang mga loveteam. Kadalasan kasi ay ang guy ang talo kapag nabubuwag ang isang team-up laluna sa part namin ni Tina dahil singer siya liban sa pagiging actress. In my case, acting lamang ang puwede kong ipagmalaki,” pagbabahagi pa ni Cris.

Isang taon din ang binuno ni Cris bago siya nakawala sa shadow ang tambalan nila ni Tina at makilala nang husto bilang solo actor.

Kumusta na sila ngayon ni Tina? “We’re okey naman. Nagkatrabaho na rin naman kami after that at walang problema kung muli kaming magkakatrabaho dahil pareho naman kaming professional actors,” dagdag na pahayag ni Cris na isa sa cast ng upcoming true-to-life movie na Romano na pinagbibidahan ni JC Santos playing the title role kasama si Albert Martinez at iba pa.

At 55, single na muli si Cris for the last three years. Hiwalay na rin siya sa kanyang non-showbiz partner kung kanino siya may dalawang anak. May isa rin siyang anak sa dating sexy actress na si Criselda Volks na isang boy at dalawa rin ang kanyang naging anak sa kanyang non-showbiz ex-wife (boy & girl) na pareho nang may asawa at meron na pala siyang dalawang apo.

He was only 21 nang siya’y mag-asawa kaya parang mga kabarkada lamang niya ang kanyang mga anak na close sa isa’t isa kahit magkakaiba ang kanilang mga ina.

Grateful si Cris na marami pa rin ang nagtitiwala sa kanya at sunud-sunod pa rin ang mga proyektong patuloy na dumarating sa kanya both sa pelikula at sa telebisyon hanggang sa kasalukuyan kahit nagbago na ang sistema ng showbiz.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with