^

Police Metro

Pusher timbog sa P1.2 milyong droga sa mall

Cristina Timbang - Pang-masa
Pusher timbog sa P1.2 milyong droga sa mall
Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na Haron, 29, residente ng Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga na naaresto ng alas-12:20 ng tanghali sa  inilatag na buy-bust operation sa parking lot ng mall sa Bacoor City, Cavite.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Isa umanong bigtime tulak ng mga shabu at ecstasy na mula pa sa Angeles, Pampanga ang naaresto sa isang parking mall sa Cavite, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na Haron, 29, residente ng Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga na naaresto ng alas-12:20 ng tanghali sa  inilatag na buy-bust operation sa parking lot ng mall sa Bacoor City, Cavite.

Bago naganap ang drug deal ay isang pulis ang nakatransaksyon nito at mula sa Pampanga ay bumaba ito ng Cavite dala ang mga shabu at ecstasy na ibinalot sa parcel plastic bag.

Narekober sa suspek ang mahigit sa 50 gramo ng shabu na aabot sa halagang P345,000.00 at 503 piraso ng kulay asul na tabletang  ecstasy o party drugs na aabot sa kabuuang halagang P1.2 milyon ang mga nakumpiskang droga.

Ayon sa suspek na siya umano ang naatasang magdeliber ng droga sa Cavite kung saan ang “Boss” umano nito ang katransaksyon sa pamamagitan ng text messages.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with