^

Bansa

‘Pasabog’ na witness ilabas na! - prosec

Joy Cantos, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Para masagot P817 milyong ‘tagong yaman’

MANILA, Philippines — Umabot na sa ikalawang linggo ng pagla­latag ng depensa ngunit wala pa ring direktang sagot sa P817.87 milyong umano’y kuwestiyonableng yaman ni Vice President Sara Duterte, ayon sa House prosecution panel.

Dahil dito, hinamon ni Manila Rep. Joel Chua ang kampo ng bise presidente na iharap na ang sinasabi nilang “pasabog” o mabibigat na testigo upang masagot ang mga pangunahing alegasyon sa impeachment trial.

“Kung talagang meron silang pasabog o mabibigat na testigo, dapat iharap na nila dahil ang inaantay nating lahat ay sagot sa mga mabibigat na alegasyon,” ani Chua.

Ayon sa mambabatas, wala pang testigong naiharap ang depensa na direktang nagpapaliwanag o nagpapabulaan sa hindi bababa sa P817.87 mil­yong umano’y hindi nai­deklarang yaman na tinukoy ng prosecution mula 2022 hanggang 2025.

Aniya, maging ang apat na testigong susunod na ihaharap ng depensa ay tila walang direktang kaugnayan sa usapin ng umano’y unexplained wealth. Kabilang dito sina Atty. Reiner dela Fuente ng AML Consulting Philippines, DTI Undersecretary Ceferino Rodolfo, FDA official Pilar Marilyn Pagayunan, at CITEM representative Rowena Mendoza.

Iginiit ni Chua na ang mga testigong may kaugnayan sa Cale88 Foods Corp. ay makapagpapatunay lamang umano na rehistrado at lehitimong kumpanya ito, ngunit hindi masasagot ang isyu sa umano’y P319 milyong pumasok sa negosyo ng asawa ni Duterte na si Atty. Manases Carpio.

Binigyang-diin pa niya na hinihintay pa rin ng prosecution at ng publiko ang paliwanag sa umano’y daan-daang milyong pisong hindi idineklara sa SALN ng bise presidente at ng kanyang asawa.

Iginiit pa ni Chua na tila ginagamit lamang ng depensa ang ilang testigo upang pahabain ang pagdinig sa halip na direktang sagutin ang mga alegasyon.

Inaasahang maghahain pa ng apat na testigo ang depensa sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate impeachment court ngayong Huwebes at Biyernes.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with