^

PM Sports

Akari krusyal ang laro sa Zus

Russell Cadayona - Pang-masa
Akari krusyal ang laro sa Zus
Fifi Sharma at Zam Nolasco

MANILA, Philippines — Kailangan ng Akari na maipanalo ang huli ni­lang laro sa elimination round para makasilip ng tsansa sa semifinals ng 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab Series.

Lalabanan ng Chargers ang sibak nang ZUS Coffee Thunderbelles nga­yong ala-1 ng hapon, ha­bang magtutuos ang se­mifinalist Nxled Chameleons at Creamline Cool Smashers sa alas-6 ng ga­bi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ang Nxled (6-0) at Farm Fresh (5-2) ang ku­mu­­ha ng dalawang semis berth na hangad din ng Creamline (4-2), PLDT (4-3), Choco Mucho (4-3), Akari (3-4).

Talsik na ang Capital1 Solar Energy (2-5), ZUS Coffee (1-5) at Galeries Tower (1-6).

Nagmula ang Chargers sa 25-27, 22-25, 24-26 ka­­biguan sa Chameleons, ha­bang itinala ng Thunder­belles ang unang pa­nalo sa 17-25, 21-25, 25-20, 25-20, 15-12 pag-es­kapo sa Highrisers.

Sakaling talunin ang ZUS Coffee ay kaila­ngang ipagdasal ng Akari na hindi makapagtala ng li­mang panalo ang dalawa sa Creamline, Choco Mucho at PLDT.

Kung magkakaroon ng pagtatabla sa baraha ay gagaimtin ang FIVB tiebreak system para made­ter­mina ang papasok sa se­­mifinals.

Ang unang back-to-back wins naman ang pa­kay ng ZUS Coffee maka­raan ang 0-5 kamalasan.

Muling aasa ang Chargers kina Ivy Lacsina, Eli Soyud, Fifi Sharma at Faith Nisperos.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with