^

Bansa

VP Sara lang makakasagot sa ‘unexplained wealth’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling hinikayat ng prosecution panel si Vice President Sara Duterte na humarap sa Senate impeachment court upang maipaliwanag sa publiko ang umano’y P817.87 mily­ong paglobo ng kanyang yaman.

Ayon kay House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, tanging si Duterte lamang ang makasasagot sa mga tanong hinggil sa kanyang mga pinansyal na transaksyon, hindi naideklarang mga asset at interes sa negosyo.

Wala pa aniyang abiso kung papayag ang bise presidente na tumestigo, habang nasa sampu pang testigo ang nakatakdang iharap ng defense panel.

Dagdag ni Adiong, magiging pagkakataon din sana ito para ma-cross examine ng prosecution si Duterte kaugnay ng mga alegasyon laban sa kanya.

Nagsimula ang impeachment trial noong Hulyo 6 ngunit hanggang ngayon ay hindi pa tumatayo sa witness stand ang bise presidente upang sagutin ang mga akusasyon, kabilang ang umano’y hindi maipaliwanag na pagtaas ng kanyang yaman.

Nauna nang naghain ang prosecution panel ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa sinasabing P817.87 milyong hindi naideklarang asset at iba pang umano’y unexplained wealth mula 2022 hanggang 2025.

HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with