P20.7 milyong ketamine nasabat sa Clark
MANILA, Philippines — Nasabat ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Clark ang 4,140 gramo ng hinihinalang ketamine na nagkakahalaga ng P20.7 milyon mula sa shipment na galing Amsterdam, Netherlands at nakatakdang ihatid sa Valenzuela City.
Na-flag ang kargamento matapos makitaan ng kahina-hinalang imahe sa X-ray. Idineklarang “Compact Ceramic Fan” ang shipment, ngunit sa physical examination ay natuklasan ang pitong plastic bag na naglalaman ng puting crystalline substance.
Nagpakita ng “Special K” reading ang paunang pagsusuri gamit ang spectrometer, na indikasyon ng posibleng ketamine. Ipinasa sa PDEA ang mga sample para sa laboratory analysis at confirmatory testing.
Isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng BOC, PDEA at Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga.
- Latest

















