NCRPO magsasagawa ng security dialogues sa mga condo, residential communities
MANILA, Philippines — Magsasagawa ng community dialogues ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga condominium at residential communities sa Metro Manila upang mapalakas ang mga hakbang laban sa pagnanakaw at iba pang krimen.
Ayon kay NCRPO chief PBGen Christopher N. Abrahano, layunin ng dayalogo na palakasin ang ugnayan ng pulisya, residente, building administrators, homeowners’ associations at security personnel, at matukoy ang mga posibleng security gaps sa kanilang mga lugar.
Tatalakayin sa mga pagpupulong ang wastong visitor verification at pagtatala ng mga pumapasok, na delivery riders, drivers, movers, repair workers, household helpers at iba pang service providers. Bibigyang-diin din ang access control, CCTV monitoring, visitor logs at maagap na pag-uulat ng kahina-hinalang aktibidad sa pulisya.
Ang hakbang ay kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang suspek at pagkakarekober ng 17 piraso ng alahas na tinatayang nagkakahalaga ng P664,000 na iniulat na ninakaw mula sa isang condominium unit sa Brgy. Matandang Balara, Quezon City.
- Latest



















